Celebrity Life

Michelle Madrigal and boyfriend pose for a photo together with her ex-husband

By Jimboy Napoles

Looking good ang relationship ng ex-couple na sina Michelle Madrigal at Troy Woolfolk bilang mga magulang ng kanilang anak na si Anika matapos ang kanilang naging hiwalayan.

Sa isang Instagram post, spotted sina Michelle at ang bago nitong boyfriend kasama ang ex-husband niya na si Troy at ang kanilang anak na si Anika sa isang family picture na ipinost mismo ng huli.

"Co-parenting at its finest," caption ni Troy sa kanyang post.

Agosto lamang ngayong taon nang ibahagi ni Michelle sa social media ang larawan nila ng kanyang bagong boyfriend. Gaya ni Michelle, divorced na rin ito at may dalawang anak.

Supportive naman si Troy sa bagong love life ng kanyang dating misis at nagkomento pa ito ng, "Cute couple," sa nasabing post ni Michelle.

SILIPIN ANG ILANG SEXY PHOTOS NG HOT CELEBRITY MOM NA SI MICHELLE MADRIGAL SA GALLERY NA ITO: