advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Celebrities na nag-live-in

1 of 9

 Kylie Padilla and Aljur Abrenica

Mula nang magkabalikan ang ex-lovers noong September 2016, usap-usapan na nag-move in si Kylie sa bahay ni Aljur. Ngayon ay happily engaged na ang dalawa kapiling ang kanilang 10-month old baby boy na si Alas Joaquin.

2 of 9

Solenn Heussaff and Nico Bolzico

Nag-live in ng limang taon bago nagpakasal ang now married couple for two years. Viral sa social media ang pagiging #Wifezilla ni Solenn habang pinapauso naman ng kanyang asawa ang #BulliedHusbandsClub.

3 of 9

Gretchen Barretto and Tonyboy Cojuangco

Kamakailan ay inamin ni Greta na kabit siya ng billionaire business tycoon for 24 years now. Nakatira sa isang exclusive subdivision at lavish mansion sa Makati ang dalawa. Ang kanilang love child na si Dominique Cojuangco ay 23 years old na at nakapagtapos ng degree sa fashion design sa London.

advertisement
4 of 9

Derek Ramsay and Angelica Panganiban

Maganda ang naging takbo ng relasyon nina Derek at Angelica sa loob ng anim na taon ngunit hindi naging maganda ang pagtatapos nito. Lumutang ang isyu na may asawa at anak na ang aktor. Nagpatong-patong ang mga problema ng magkasintahan kaya nauwi ito sa hiwalayanan sa pamamagitan ng isang phone call noong 2012.

5 of 9

James Reid and Nadine Lustre

“Come on, guys! It's 2017!” ang viral na sagot ng aktres noong tinanong siya sa isang panayam kung nagli-live in na ba sila ng kanyang actor-boyfriend.Hindi itinanggi ni Nadine na sa iisang bubong na sila nakatira at sinabing may mas batang magkasintahan pa kaysa sa kanila na nagsasama.

6 of 9

Kris Aquino and Phillip Salvador

Nagka-extra marital affair ang aktor na si Phillip Salvador sa Queen of All Media mula 1994 hanggang 1999. Tutol sa kanilang relasyon ang ina ni Kris na si dating pangulong si Cory Aquino. Dahil sa kanilang live-in relationship setup, nagkaroon sila ng love child--ang panganay ng TV host na si Josh Aquino.

advertisement
7 of 9

Boy Abunda and Bong Quintana

Mahigit tatlong dekada na ang relasyon ng King of Talk sa kanyang partner na si Bong Quintana. Una nilang investment ay ang kanilang Metro Manila bungalow. Meron din silang pag-aari na rest house sa Batangas at beach house sa Samar.

8 of 9

 John Lloyd Cruz and Ellen Adarna

Biglaang nag-leave sa showbiz ang rumored couple noong early 2017. Napapabalitaang engaged na ang dalawa at magkakaroon na ng anak.

9 of 9

 Victor Basa and Divine Lee

Noong mag-on pa ang actor at ang socialite, sinagot nila ang kanilang live in issue sa isang panayam. “Sleepover” ang term na ginamit nina Victor Basa at Divine Lee.

advertisement