
Diretso sa pag-amin si Paul Salas na isa siyang clingy boyfriend kay Mikee Quintos.
Muli niya itong kinumpirma sa kanyang "Assumptions About Me" video sa YouTube.
Sinagot ni Paul ang nagsabi ng assumption na clingy siya at sinabi niyang, "Yes, kumpirmado ka diyan."
PHOTO SOURCE: paulandre.salas
Pag-amin ni Paul, ito ay ang ikalawang beses niyang inamin sa kanyang channel.
"Na-confirm din naman ni Mikee sa recent vlog namin ng Couple's Quiz. Gusto ko lagi kong nakakausap, gusto ko lagi kong naha-hug."
Sa video na kasama si Mikee, sinabi ni Paul na may mga sandaling sobra siyang clingy sa aktres. Ngunit hindi raw ito nangangahulugan na binabantayan niya ang kanyang girlfriend.
"Sobra minsan 'yung pagka-clingy ko. Tawag ako ng tawag. Di ko siya binabantayan, nami-miss ko lang siya lagi," paliwanag ng aktor.
NARITO ANG SWEETEST PHOTOS NINA PAUL AT MIKEE: