Celebrity Life

Jeric Gonzales says he's 'good friends' with ex-girlfriend Rabiya Mateo

By Abbygael Hilario

Start-Up Ph star Jeric Gonzales inaming kinakabahan para sa kaniyang kauna-unahang GMA NCAA All-Star Basketball Game na kasalukuyang nagaganap sa FilOil EcoOil Centre, San Juan City.

Ayon kay Jeric, nakaramdam siya ng kaba matapos niyang makita ang mga makakalaban niya.

"Actually nung pumunta ko kanina, wala namang pressure pero nung nakita ko yung mga player, ang lalaki! Syempre mga professional athletes natin 'to, magagaling talaga sila," sabi niya.

Ibinahagi rin ng Kapuso star na simula pagkabata ay mahilig na siya sa basketball.

"I'm very happy kasi basketball enthusiast talaga ako since I was a kid, ta's varsity ako noong elementary, college. Aside from being an artista, masaya ako na nakabalik ako sa ganitong game," dagdag niya.

Nang tanungin naman kung sino ang inaasahan niyang manonood sa kaniyang laban, bukod sa kaniyang fans, pabiro niyang sinagot, "Si ano... 'di joke lang. Di ko alam kung darating siya eh, may mall show 'ata."

Tinutukoy niya ang kaniyang ex-girlfriend at TikToClock host na si Rabiya Mateo.

Aniya, maayos ang kanilang breakup kung kaya't walang “bitter” sa kanilang dalawa.

"Okay naman kami. We're good friends naman. Never naman kami naging bitter sa isa't isa and yung paghihiwalay namin before is magaan naman," banggit niya.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA JAW-DROPPING LOOKS NI JERIC GONZALES SA GALLERY NA ITO: