
Maraming netizens ang kinilig sa latest post ni Maria Clara at Ibarra actress Barbie Forteza para sa boyfriend of five years niyang si Jak Roberto.
Sa Instagram, proud na ibinahagi ni Barbie ang magkahawak na kamay nila ni Jak, na may caption, "O Aking Tahanan."
Sweet na sweet naman ang komento ng aktor sa post na ito ng nobya. Sulat niya, "I love you so much," na agad ding sinundan ni Barbie ng nakakakilig na "I love you! Laters, baby."
Maging ang Maria Clara at Ibarra co-star ni Barbie na si Andrea Torres ay kinilig sa post na ito ng aktres. Aniya, "Ay kakilig naman!!!"
Muling nagkasama sina Barbie at Jak matapos ang lock-in taping ng aktres para sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Patuloy na subaybayan si Barbie bilang Klay sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG #RELATIONSHIPGOALS NINA BARBIE FORTEZA AT JAK ROBERTO SA GALLERY NA ITO: