
Isang sweet na anniversary message ang inihanda ni Kean Cipriano para sa asawa na si Chynna Ortaleza.
Ayon kay Kean ito ay para sa ikapitong taon nilang pagsasama ni Chynna.
Bukod sa mensahe, binalikan rin ni Kean ang araw na siya ay nag-propose sa asawa. Ani Kean, "Posting this today on our 7th anniversary! Eto yung gabi na nagpropose ako sayo. Nothing big, sincerity lang ang puhunan! 😎 Alam kong gusto mo tumakbo palabas ng pinto nung lumuhod ako, pero buti nalang naka lock!"
PHOTO SOURCE: @kean
Ayon kay Kean, naniniwala siyang si Chynna ang tao na itinadhana para sa kanya.
"Sa dami ng pinagdaanan natin, alam ko na tayo talaga 'yung naka tadhana sa isa't isa. Salamat sa lahat lahat my love."
Pag-amin ni Kean, maganda ang pagsasama nila ni Chynna dahil bukod sa pagiging mag-asawa ay magkaibigan rin sila.
"Ang sarap sa pakiramdam na may kasama ako sa buhay na kaya akong mahalin at kaya kong mahalin ng buong buo. Malaking factor na bukod sa magasawa tayo, magkaibigan talaga tayo."
Sa huli ay nangako si Kean na hindi niya kailanman pababayaan si Chynna.
"Kahit anong mangyare, andito lang ako para sayo. Hinding hindi kita pababayaan. Mahal na mahal kita @chynsortaleza! Happy anniversary."
TINGNAN ANG MAGAGANDANG LARAWAN NG PAMILYA CIPRIANO DITO: