
Sweet na sweet ang engaged couple na sina Maine Mendoza at Quezon City Rep. Arjo Atayde sa Paris, France.
Noong Sabado, November 5, ipinagdiwang ni Arjo ang 32nd birthday kasama si Maine sa City of Love.
Sa Instagram, ibinahagi ni Maine ang litrato nila ng fiance sa harap ng Eiffel Tower na may caption, "Happy Birthday."
Bago ang trip nila sa Paris, bumisita na rin sina Maine at Arjo sa Netherlands kung saan nag-enjoy ang dalawa sa paglilibot sa Amsterdam.
Hulyo nang masayang ibalita ni Maine na engaged na siya kay Arjo matapos ang mahigit tatlong taong pagiging magkasintahan.
TINGNAN ANG HIGLIGHTS NG RELATIONSHIP NINA MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE RITO: