These handsome men claim that they are bullied by their celebrity wives. Get ready to meet them in this gallery.
Ang gwapo ng mga miyembro ng #BulliedHusbandsClub. Sino kaya sila?
Ang Argentine businessman husband ni Solenn ay ang presidente ng #BulliedHusbandsClub. Siya rin ang pasimuno ng #BulliedHusbandsClubManual.
Nabo-broadcast sa social media ang iba't ibang mga kalokohan ng Internet sensation sa sexy actress.
Sa dog house ang bagsak ni Nico sa tuwing maiinis ang kanyang “Wifezilla” sa kanyang kapilyuhan.
Halos anim na taon bago naging Mrs. Heussaff ang Princess of All Media.
Kilalang chef at vlogger ang kapatid ni Solenn. Sa pamamagitan ng self-produced videos niya ipinapakita ang kanyang paghanga kay Anne na madalas ikinaiinggit ni Nico.
Hindi raw madali ang buhay may asawa kaya they've got each other's back!
Sa tingin ni Nico ay “I married the wrong Heussaff” dahil mas naiintindihan raw siya ni Erwan.
Ayon kay Nico, ang paboritong hobby ni Belle ay “to start fights with Adrien for no reason. [Here's a] typical situation: Belle tells Adrien to leave her alone and automatically ask him why he is ignoring her.”
Pitong taon nag-date ang Pinay beauty at ang kanyang French prince charming na Country General Manager ng Adidas Philippines bago sila nagpakasal noong 2016.
Family friends ang pamilya ng beautiful couple bago pa sila naging Mr. and Mrs. Burnand at noong nagkita sila noong 2015, nasabi ng “It” Girl na nakita na niya ang kanyang mapapangasawa.
Hot dad ang dating ng hubby ni Georgina sa pagdating ni Little Archie.
Hindi pa man kasal ang dalawa, pinapangunahan na ni Nico na may future sina Wil at Alodia.
Apprentice ni Nico ang Filipino-American vlogger at madalas niya itong tinuturuan ng mga nakasaad sa #BulliedHusbandsClubManual.
Ang goal nilang lahat? “Happy wife, happy life!”
May theory si Nico tungkol sa relasyon nina Jess at Mortiz. Sabi ni Nico: "Jess is known for being the chilliest of all of them, my theory is because Ritzo haven't proposed yet, you know what Albert Einstein once said: “Women marry men hoping they will change. Men marry women hoping they will not, none of the above ever happens..."
Ni-recruit ni Nico si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kamakailan sa kanilang grupo. Ayon kay Nico, ang aktor ang kanilang magiging Chief Operations Office.