
Binalikan ng celebrity mom na si Chynna Ortaleza kung paano niya unang nakita noon ang kanyang asawa at OPM singer na si Kean Cipriano.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Chynna ang sweet photo nila ni Kean habang nasa beach sa Boracay.
Sa kanyang caption, kinikilig na ikinuwento ng dating aktres ang kanilang naging first meeting.
"From teammates para sa shades back in 2007 to partners for life!," ani Chynna.
Sa Boracay kung saan sila nagbabakasyon ngayon ay ang mismong lugar din pala kung saan sila unang nagkita.
Aniya, "Boracay may magic ka! Na-meet ko na pala asawa ko nun.. akalain mo yun? Ang saya!."
Sa comments section ng kanyang post, agad na nagbigay komento si Kean.
"Well! [emojis] I love you @chynsortaleza!" reply ni Kean.
"@kean landi mo," sagot naman ni Chynna.
Nito lamang November 7, ipinagdiwang nina Chynna at Kean ang kanilang 7th anniversary kung saan nagpalitan sila ng sweet messages para sa isa't isa.
IN PHOTOS: THE BEAUTIFUL FAMILY OF KEAN CIPRIANO AND CHYNNA ORTALEZA