
Hindi inaasahang tanong tungkol sa pagseselos ang kabilang sa lie detector challenge ang hinarap ni Mikee Quintos.
Tanong ng isang netizen sa vlog ni Mikee, "nagselos ka na ba sa co-actor ni Paul Salas?"
Sagot ni Mikee ay "no," at ayon sa truth verifier, hindi nagsasabi ng totoo si Mikee.
Natatawang paliwanag ni Mikee, "Hindi siya co-actor, okay? Hindi siya actor!"
PHOTO SOURCE: YouTube: Mikee/ @paulandre.salas
Inilahad rin ni Mikee ang kuwento ng selosang ito.
Ani Mikee, "Selos, yes, sige. Na-bother, nainis. Pero, ang selos ko naman, normal naman siguro 'yun sa lahat ng magkarelasyon."
Ibinahagi ni Mikee na may usapan na sila ng kanyang boyfriend na si Paul tungkol sa selosan.
"Pagdating sa amin ni Paul, ang usapan namin, 'pag may nagseselos sa aming dalawa ang rule lang naming dalawa, huwag idadamay 'yung pinagseselosan. Kung nagseselos, aayusin namin yun sa aming dalawa. Hindi na parang magdamay ng ibang tao."
Saad pa ni Mikee mas gusto nilang i-build ang tiwala nila sa isa't isa.
"Kung kayang ire-assure, kung kayang mag-build ng stronger relationship sa isa't isa para 'di na mag-feel 'yung selos sa amin namin 'yun aayusin."
Panoorin ang vlog ni Mikee:
Abangan sina Paul at Mikee sa The Write One, soon sa GMA Network.
SAMANTALA, TINGNAN ANG STYLISH AND FUN BIRTHDAY PHOTOS NI MIKEE SA GALLERY NA ITO: