Celebrity Life

Glaiza de Castro, bakit naisipang muling magpakasal sa Pilipinas?

By Aaron Brennt Eusebio

Taong 2021 nang magpakasal sina Glaiza de Castro at David Rainey sa Northern Island. Kahit na nagpalitan na sila ng "I Dos" ay wala pang wedding rings ang dalawa dahil gusto nilang i-reserve ito kapag nagpakasal na sila sa Pilipinas.

Ngayong palapit na nang palapit ang kasal nina Glaiza at David, kinuwento ng aktres kung paano niya ito pinaghandaan, at kung bakit nila gustong magpakasal muli.

Aniya, "Time-consuming din siya. May mga preparations kaming ginagawa like mga food tasting, may mga fitting, may mga kinakausap kami na mga tao. Alam mo 'yun, sabi ko, ang trabaho din pala. Pero exciting kasi alam mo na lahat ng mga tao na nandoon, gusto mong nandoon or gusto mo silang mapasaya, gusto mong mag-enjoy din sila."

"Nag-usap kami ni David parang, 'Ano ba 'yung gusto nating mangyari sa kasal natin?' Sabi ko, 'Gusto ko lang mag-enjoy 'yung mga tao.' Kaya we're trying as much as we can to give them the best day, hindi lang sa amin, hindi 'yung kami lang 'yung masaya, pero we really designed it to have a wedding here para nga sa mga pamilya at mga kaibigan namin dito, who weren't able to attend our wedding in Ireland.

"Kasi, why not? Why not have a second wedding, 'di ba?"

Ngayong maluwag na ang travel restrictions, siguradong makapupunta ang pamilya at mga malalapit na kaibigan ni David na nakatira sa Ireland.

Pagkatapos ng kasal, saan na maninirahan sina Glaiza at David, sa Ireland o sa Pilipinas?

"Hindi ko pa alam, e," tumatawang sagot ni Glaiza. "Sa ngayon, parang ito muna 'yung homebase namin kasi siyempre mayroon pa akong mga commitments, meron din kaming mga inaayos na business sa Baler.

"We'll be starting our business as a couple very soon sa Baler. Busy si David sa pagpe-prepare no'n kasi dadalhin niya 'yung business niya from Ireland dito sa Philippines.

"Sisimulan namin 'yun sa lugar na malapit din sa puso namin, especially for him kasi nature-lover siya. So, nagustuhan niya talaga 'yung Baler ever since he started coming here, mas gusto niya talaga sa beach."

Mapapanood si Glaiza sa upcoming GMA Afternoon Prime series na The Seed of Love, kung saan makakasama niya sina Mike Tan at Valerie Concepcion.

BAGO ANG NALALAPIT NA KASAL NINA GLAIZA AT DAVID, BALIKAN KUNG PAANO NAGSIMULA ANG KANILANG RELASYON DITO: