GMA Logo Megan Young, Victoria Young, and Mikael Daez
PHOTO SOURCE: YouTube: Mikael & Megan
Celebrity Life

Megan Young, wife material ba ayon sa kanyang ina na si Mommy Victoria Young?

By Maine Aquino
Published February 6, 2023 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Megan Young, Victoria Young, and Mikael Daez


Ikinuwento ni Mommy Victoria ang ilang mga personal na detalye tungkol sa kanyang anak na si Megan Young at asawa nitong si Mikael Daez.

Ilang detalye tungkol sa celebrity couple na sina Megan Young and Mikael Daez ang ibinahagi ni Mommy Victoria Young.

Ikinuwento ito ni Mommy Victoria sa kanyang pag-guest sa vlog nina Megan at Mikael na Food Show na Walang Title.

Tanong ni Megan sa ina, "Mommy, what makes me wifey material?"

Megan Young Victoria Young and Mikael Daez

PHOTO SOURCE: YouTube: Mikael & Megan

"Sa tingin ko kasi hindi ka naman wifey material," natatawang pag-amin ng mommy ni Megan.

Paliwanag ni Mommy Victoria ay magkaiba naman sila ng anak niyang si Megan. Saad niya sa vlog, "Ako homey naman ako talaga. Pero old school na 'yun. New school, wives are making money. They bring in money into the household. Sa panahon ngayon, you are (wife material)."

Isa pa sa naitanong nina Megan at Mikael ay kung ano ang first impression ni Mommy Victoria noong nanliligaw pa lang ang aktor.

Natatawang kuwento ni Mommy Victoria, "Ay guwapo pala!"

Ayon pa sa mommy ni Megan, hindi siya humadlang kay Mikael para sa kanyang anak.

"Hindi siyempre. Ako pa, wala naman akong inaayawan, basta gusto niyo lang."

Kinumpirma ni Mikael na halos 10 taon na ang kanilang relasyon ni Megan noong 2017. Noong January 25, 2020 ay ikinasal naman ang Kapuso couple.

Panoorin ang kanilang masayang food bonding at kuwentuhan dito:

SAMANTALA, BALIKAN ANG FUNNIEST MOMENTS NINA MIKAEL AT MEGAN DITO: