
May nakakakilig na mensahe ang multi-awarded comedian at creative director Michael V. para sa kaniyang misis na si Carol Bunagan.
Kamakailan, ipinagdiwang nilang dalawa ang kanilang 25th church wedding anniversary.
Sa Instagram post ni Direk Michael, ibinahagi niya ang isang highlight ng bakasyon nila sa Penang, Malaysia.
Sweet message nito kay Carol, “'Woman On Top'…. with her man taking the photo. Love seeing you this happy. I hope you're enjoying the trip as much as I am. I love you @ayoito Happy Silver!”
Ayon sa report ng pep.ph, dalawang beses na ikinasal sina Michael V. at Carol. Una naganap ang kanilang civil wedding noong April 1994 at sumunod silang ikinasal sa simbahan noong February 1998.
Samantala, nanalo naman si Direk Bitoy sa 5th Gawad Lasallianeta noon nakaraang buwan kung saan itangahal siyang the Most Outstanding Comedian.
SILIPIN ANG ILAN SA AMAZING TRIVIA TUNGKOL KAY MICHAEL V. DITO: