
Inamin ni Pokwang na hindi pa siya nakaka-move on mula sa pinagdaanang hiwalayan nila ni Lee O'Brian.
Si Lee ay ang ex-partner ni Pokwang at ang ama ni Malia. Unang inamin ni Pokwang ang hiwalayan nila noong 2022 pagkatapos ng anim na taon nilang pagsasama.
Diretsahang inamin ni Pokwang sa vlog ni Bea Alonzo ang dahilan kung bakit hindi pa siya nakaka-move on.
Ani Pokwang, "Hindi pa. Kasi ganito 'yan, madaling sabihin na, 'Hoy ang bitter mo mag-move on ka na.' Ang dali sabihin 'yun kasi hindi kayo ang nakakaranas."
Diin ni Pokwang, makaka-move on din siya mula sa pinagdadaanang masakit na tagpo na ito.
"Ang bawat sugat lalo kung malalim hindi kapag tinakpan mo lang ng band-aid gagaling na. It will heal slowly."
PHOTO SOURCE: YouTube: Bea Alonzo
Dagdag pa ng TiktoClock host, hayaan lamang daw siyang maghilom sa sakit na kaniyang nararanasan.
"Kaya ako sumisigaw ngayon kasi mahapdi. Kapag hindi na ako sumigaw, wala na 'yun, pa-heal na 'yun, so hayaan niyo lang."
Sina Pokwang at Lee ay unang nagkakilala taong 2014 sa kanilang pelikula na Edsa Woolworth.
SAMANTALA, BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA POKWANG AT LEE: