GMA Logo Pokwang and Lee O'Brian breakup
What's Hot

Pokwang, nagsalita na sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Lee O'Brian

By Maine Aquino
Published July 12, 2022 8:25 PM PHT
Updated July 12, 2022 9:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang and Lee O'Brian breakup


Emosyonal si Pokwang sa pagkuwento ng kanilang hiwalayan ni Lee O'Brian. "Sana alam ng mga tao na 'yung hinuhusgahan n'yo na si Lee O'Brian ay mabuting tao naman po, mabuting ama."

Nagsalita na si Pokwang sa kanilang paghihiwalay ni Lee O'Brian.

Emosyonal si Pokwang sa pagkuwento ng tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Lee pagkatapos ng anim na taon nilang pagsasama. Ibinahagi ni Pokwang ang dahilan ng kanilang hiwalayan sa isang exclusive report ng 24 Oras ngayong July 12.

Photo source: itspokwang27

Ayon kay Pokwang sa report ni Nelson Canlas, "Kasi ako 'yung taong lahat tinitiis ko, hanggat kaya ko, ako lang.

"Hanggat kaya ko itago sa anak ko, hanggat kaya ko huwag iiyak sa harap nila. Lahat ng burden gusto ko ako lang. Parang nahihiya ako mandamay sa pamilya ko."

Pagbabahagi pa ni Pokwang, pitong buwan na silang hindi nagsasama ni Lee. Ngunit ngayon lamang niya piniling isapubliko ang kanilang hiwalayan.

Dito inamin ni Pokwang ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Saad ng Tiktoclock star, "Una sa lahat walang third party, wala in all fairness kay Papang. Hindi rin pera, kagaya ng mga lumalabas na pera. Hindi ganoon, walang ganoon.

"Siguro napagod lang kami," paglilinaw niya.

Inamin rin ni Pokwang na nasasaktan siya sa mga nababasa tungkol kay Lee sa social media.

Ani Pokwang, "Sana ang alam ng tao na ang hinuhusgahan ninyo na si Lee O'Brian ay mabuting tao naman po. Mabuting ama. Nasasaktan lang ako sa mga nababasa ko na kesyo palamunin ko daw. Masipag po 'yung tao."

Sa gitna ng hiwalayan na ito ay handa raw si Pokwang sa mga katanungan ni Malia sa estado ng relasyon ng kaniyang mga magulang.

"Naka-ready naman ako sa kaniya kung ano man ang katanungan niya. Ganoon talaga ang buhay."

Dagdag pa niya, "Kung sakaling mangyari sa iyo 'to anak, ako rin unang makakaunawa sa'yo at susuporta sa'yo."

Sina Pokwang at Lee ay nagkakilala noong 2014 sa pelikulang Edsa Woolworth. Mayroon silang apat na taon na anak na si Malia.