Celebrity Life

Chito Miranda, kinilig nang makasama ang National Artist na si BenCab

By Jimboy Napoles

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagkita ang Pinoy Rock icon na si Chito Miranda at ang National Artist for Visual Arts na si Benedicto Cabrera o mas kilala bilang “BenCab.”

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Chito ang “kiig” moment niya kasama ang mahusay na Filipino painter habang sila ay nagkakape sa mismong museum ng huli na BenCab museum sa Benguet.

“Tambay muna sa @bencabmuseum with Sir Ben Cab. Syempre kunwari cool lang ako pero sa totoo kilig na kilig ako nyan,” nakatutuwang caption ni Chito.

Kuwento pa ng Parokya Ni Edgar frontman na si Chito, marami siyang itinanong kay BenCab tungkol sa kanyang mga obra at sinagot naman umano siya nito.

“Dami kong tanong tungkol sa mga gawa nya and sa mga artists na nakatrabaho nya...and he answered all my questions patiently, taking his time na magkwento.”

Pero biro ni Chito, “Nagtanong din sya about my music, and my songwriting process and syempre wala yata akong nasagot na matino.”

“Saya lang…” dagdag pa niya.

SILIPIN ANG REST HOUSE NINA CHITO MIRANDA AT NERI NAIG BAGUIO DITO:

Samantala, mapapanood naman si Chito bilang isa sa coaches ng The Voice Generations sa GMA kasama sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell Ajero, at host nito na si Dingdong Dantes.