
Tila kakaiba talaga ang friendship nina Jelai Andres at Buboy Villar.
Bukod sa lumalalim pang samahan nina Jelai at Buboy, ilang tao rin na malapit sa kanilang mga puso ang naging ka-close na ng isa't isa.
Kamakailan lang, isang vlog ang ibinahagi ni Jelai sa kanyang YouTube channel na mayroon nang 7.7 million subscribers.
Sa naturang vlog, mapapanood ang Cebu adventure ng vlogger-actress, ng host-actor na si Buboy at kani-kanilang mga pamilya.
Kasama ng una ang kanyang mga kapatid at mga pamangkin, habang kasama naman ng huli ang kanyang ina at mga anak na sina Vlanz at George.
Sa ilang clips sa vlog, mapapanood na naka-bonding ni Jelai ang adorable kids ni Buboy.
Magkakasama silang namasyal at binisita rin nila ang ilang lugar kung saan nagtitinda raw noon ang host-actor.
Bukod pa sa pagpasyal sa ilang tourist spots sa Cebu, magkakasama rin silang nag-swimming.
Panoorin ang Cebu vlog nina Jelai at Buboy sa video na ito:
Samantala, sina Vlanz at George ay mga anak ni Buboy sa kanyang ex-partner na si Angillyn Gorens.
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Jelai at Buboy nang magkasama sila sa romantic comedy series ng GMA na Owe My Love noong 2021.