Celebrity Life

Dingdong Dantes, nagkuwento tungkol sa quick getaway nila ni Marian Rivera sa Palawan

By Aedrianne Acar

Deserved ng Kapuso Primetime couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang bakasyon, matapos ang hectic schedule nila noong Disyembre.

Kaya pinili ng Dantes squad na pumunta sa Palawan kasama ang mga chikiting na sina Zia at Sixto.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras sa Kapuso Primetime King, sinabi niya na grateful siya na nagkaroon sila ng konting break matapos ang sunud-sunod na trabaho.

Ani Dingdong, “Medyo nagkaroon kami ng konting break. Although we were hoping na mas mahaba pero, thankful pa rin kami na nabigyan kami ng pagkakataon na magkaroon ng a few days off para mag-relax.”

Magiging abala si Dingdong ngayong January sa hosting ng Family Feud Philippines at Amazing Earth.

Naghahanda rin sila ni Marian para sa season two ng hit sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa.

RELATED CONTENT: FUNNY CAST OF JOSE AND MARIA'S BONGGANG VILLA: