Bago sumabak sa trabaho bilang Kapuso, binanggit na ni Bea Alonzo sa mga nakaraang interview na plano niyang magbakasyon sa Amerika.
Naging opisyal na Kapuso ang aktres noong July 1 at kamakailan lamang ay inimbita niya sa kanyang farm sa Zambales ang broadcast journalist na si Jessica Soho.
Noong July 9, lumipad papuntang Los Angeles, California, ang bagong Kapuso star at hindi niya nalilimutang ibahagi rin ang trip sa kanyang followers sa Instagram.
Unang araw pa lamang sa Los Angeles ay ibinahagi na ni Bea sa kanyang Instagram stories ang morning view ng siyudad at ang pagbisita niya sa taco restaurant.
May napansin din ng aktres sa kasalukuyang lagay ng pamumuhay sa California dahil parang normal na ang lahat doon at halos hindi na nagsusuot ng face masks ang mga tao.
"I just realized how much I have missed traveling and trying out new restaurants. Parang normal ma lahat dito. Most people [if not all] don't wear masks anymore. Most of them are already vaccinated na kase," pagbabahagi ni Bea.
"I can't help but think of home. I pray na sana magkaroon rin tayo ng ganitong sense of normalcy. Pero ingat pa rin po tayo dahil my new variants na naman (kaya lagi pa rin akong naka-mask). Sending you love from this side of the world," dagdag pa nito.
Narito ang ilan pa sa mga aktibidad na ginawa ni Bea sa California:
Sa YouTube vlogs ni Bea, palagi niyang pinapaalalahan ang kanyang mga tagahanga na "Life is BEAutiful."
Isang American musical romantic comedy-drama film ang 'La La Land' na ipinalabas noong 2016. Pinagbibidahan ito nina Emma Stone, na nangangarap na maging aktres; at Ryan Gosling, bilang isang jazz pianist, na sabay inabot ang kani-kanilang mga pangarap sa Los Angeles.
Hindi mawawala sa isang bakasyon ang sumubok ng mga bagong restaurant, at ito ang ginawa ni Bea.
Ilan sa mga beach na pinuntahan ni Bea sa California ay ang Santa Monica at Malibu.
Marami naman ang nakapansin na nasa L.A. din ang nali-link ngayon kay Bea na si Dominic Roque dahil sa kanyang Instagram stories na kuha sa isang taco restaurant, na binisita rin ni Bea sa L.A.
Makikitang masayang-masaya ang aktres sa trip niyang ito sa Los Angeles.
Seksing-seksi ang aktres sa suot na white dress na may cherry print sa Malibu beach.
Breathtaking sunset view sa Pacific Coast Highway, California.
Siyempre, hindi makukumpleto ang bakasyon nang walang shopping.
Ilan sa selfie Instagram stories ni Bea.
Souvenir pictures from the trip.
Enjoying food while traveling.
Celebrates little things in life.
Kuha ni Bea Alonzo habang nasa Lovers Point Monterey, California
Silhouette photo ni Bea Alonzo habang pinagmamasdan ang takipsilim sa Pacific Coast Highway, California
"Nuts about you." - Bea Alonzo
"When I used to catch this phrase, I could never really understand what it truly means. When I was younger, I used to always chase my dreams, always in a hurry, not entirely absorbing and savoring the things that were happening around me. I was set to achieve my goals, and slowly, I did. But now, looking back, I wish I could've taken the time to enjoy every moment, every victory, every pain, and every milestone. So, today I want to be more mindful and urge myself to take time to smell the roses and savor every moment." - Bea Alonzo
Ani Bea Alonzo, ganito raw ang mukha niya kapag inalok na manlibre.
Take me to the sea.
"Big little lies feels in Monterey." - Bea Alonzo
Isa sa mga atraksyong binisita ni Bea sa California ay ang San Francisco Museum of Modern Art.
"Kisses from this side of the world," sabi ni Bea sa larawang ito na kuha sa Bistro Jeanty restaurant sa Yountville, California.
Kilig ang hatid ng post na ito sa fans dahil sa pagyakap ng aktres sa likuran ni Dominic. Kasama nina Bea at Dominic ang kanilang mga kaibigan sa larawang ito na kuha mula sa AutoCamp Yosemite, California.
Ang trip na ito sa AutoCamp Yosemite kasama ang mga kaibigan ang kauna-unahang camping experience ni Bea.
Ayon sa Instagram post ni Bea, paniguradong mapapadalas na ang camping niya dahil sa hindi malilimutang camping experience sa AutoCamp Yosemite.
"My trip is coming to an end, and I have mixed feelings about it; I miss Manila, but I'll also miss being on the road exploring beautiful places. I'm ready planning my next trip as I'm typing this, pero matatagalan pa 'yung susunod, trabaho muna," caption ni Bea sa larawan na ito na ibinahagi sa Instagram noong August 1, 2021.