Time out muna ang mag-asawang Marco Alcaraz at Lara Quigaman sa pag-aalaga ng kanilang mga anak dahil kasalukuyang nagto-tour ng Europe ang mag-asawa.
Bago tumungong Europe, pumunta muna sa Dubai sina Marco at Lara kung saan nakita nila ang pinakamataas na building sa buong mundo, ang Burj Khalifa.
Pagdating sa Europa, unang binisita ng dalawa ang Hungary bago tumungo sa Italy. Sa kasalukuyan, nasa Budapest, Hungrary muli ang dalawa.
Tingnan ang kanilang mga larawan dito.
Kasalukuyang nagta-travel ang mag-asawang Marco Alcaraz at Lara Quigaman sa Europe.
Bago tumungo sa Europe, namasyal muna sina Marco at Lara sa Dubai kung saan pinuntahan nila ang pinakamataas na building sa buong mundo, ang Burj Khalifa.
Pagkatapos sa Dubai, tumungo na sina Marco at Lara sa Mako, Hungary, ang una nilang destinasyon sa Europe.
Mula Hungary, pumunta sa Pisa, Italy ang mag-asawa kung saan binisita nila ang sikat na Leaning Tower of Pisa.
Habang nasa Pisa, pinasalamatan ni Lara ang kanyang asawang si Marco. Sulat ni Lara sa Instagram, "They say it's better to see something once than to hear about it a thousand times but to see it with you is definitely better than a thousand other things. I love you my glucose guardian @marcoalcaraz."
Hindi pinalampas nina Marco at Lara na makapunta sa Florence, Italy at bisitahin ang Florence Cathedral.
Pagkatapos mag-explore sa Italy, bumalik sa Hungary sina Marco at Lara para pumunta sa capital nitong Budapest.
Ibinahagi ni Lara ang realidad tuwing magta-travel sila ni Marco na nararanasan din ng iba pang mag-asawa. Aniya, "Not seen in the photo: the arguments and irritation with each other but that's just it - we may argue and fight a little - but at the end, we are one. We are a team. We kiss, we say sorry, we make up and we take more photos."
Hindi lang Mako at Budapest ang pinuntahan nina Marco at Lara sa Hungary dahil tumungo rin ang mag-asawa sa Szeged, ang ikatlong pinakamalaking city ng bansa.
"The best memories in our life can never be captured in pictures, they are always captured by heart," sulat ni Marco sa Instagram.