Bago ang kanilang upcoming kilig series na 'Luv is: Caught in His Arms,' masayang nagtungo ang Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa Singapore kamakailan.
Another check ito sa bucket list ng tinatawag ding Team Jolly ngayong taon dahil nakapag-travel sila together sa isang international trip.
Sa Instagram, ibinahagi ng dalawa ang ilan sa mga highlights ng kanilang pagbisita sa nasabing bansa.
Silipin ang kanilang memorable trip to Singapore, DITO:
All-smile si Sofia sa kanilang larawan ni Allen habang nasa eroplano patungo ng Singapore.
First stop nina Sofia at Allen ang Jewel Changi Airport sa nasabing bansa.
Nagpakuha din ng larawan sina Sofia at Allen sa harap ng famous resort sa Singapore na Marina Bay Sands.
Very sweet naman ang larawan na ito nina Sofia at Allen habang nasa isang theme park.
Kitang-kita ang saya nina Sofia at Allen sa kanilang Singapore trip.
Touchdown, Universal Studios Singapore!
"Naging mas special dahil kasama ka," ani Allen kay Sofia sa kanilang Singapore trip.
"Be happy," sulat sa isang couple card nina Sofia at Allen.
Nagtungo rin sina Allen at Sofia sa famous Jubilee Bridge.
Sa Instagram story naman ni Allen, makikita ang larawan nila ni Sofia habang masayang naglilibot isang theme park.