Naka-bonding ni Susan Enriquez ang celebrity couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo nang bumisita ang mga ito sa kanyang farm sa Indang, Cavite kahapon, June 18.
Kasama ng mag-asawa ang ina ni Matteo na si Glenna Guidicelli at ang kanilang furbabies.
Ayon kay Matteo, sa farm ng kanyang 'San-G' ka-tandem niya natikman ang pinakamasarap na salted egg. Natikman din nina Matteo at Sarah ang ilang fresh produce doon gaya ng avocado.
Biro ni Matteo, tila napunta lahat ng atensyon ni Susan sa maybahay niyang si Sarah, na iniidolo ng batikang journalist.
"Alam n'yo, mga Kapuso, best friends na kami ni Tita Susan. Pero no'ng nando'n na ko, wala nang pakialam sa 'kin. Kay Sarah na lahat, e," pagbubuking ng TV host/actor sa kanyang 'Unang Hirit' co-host.
Ani pa ni Matteo, dapat ay makapag-outing silang lahat ng hosts ng morning show sa farm ni Susan, kung saan din matatagpuan ang private resort nitong Balustre Cerca.
Tingnan ang bonding ng AshMatt sa farm ni Susan Enriquez:
Bumisita si Matteo Guidicelli sa farm ng kanyang 'Unang Hirit' co-host na si Susan Enriquez kasama ang misis niyang si Sarah Geronimo.
Ayon sa journalist na si Mark Salazar, na co-owner ni Susan sa farm, na-starstruck siya kina Matteo at Sarah, "But you'll warm up quickly sa sobrang simple nila at bait nila." Kasama rin ng mag-asawa na bumisita sa farm ang ina ni Matteo na si Glenna Guidicelli.
Isinare ng journalist na si Brandenberg Milla ang larawan niya kasama ang AshMatt. Isa rin ang una sa mga nagmamay-ari sa farm, kasama sina Atom Araullo at Alex Baltazar.
Fan mode muna ang news personalities na nakapagpa-selfie sa pop icon.
Proud fur mommy si Sarah G.
Sa loob ng farm, may private resort si Susan na binisita ni Sarah.
Nakapaglaro sa farm ang cute fur babies ng AshMatt na sina Theodore, Dakota, Liya, Nuka, at 04.
Nagkaroon ng farm to table experience sina Matteo at Sarah nang matikman ang ilang ani mula sa farm.