advertisement
Celebrity Life

Celebrities na nagbakasyon sa Japan ngayong 2023

1 of 28

Bea Alonzo and Dominic Roque

Sinalubong nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang Bagong Taon sa Japan. Nagpunta sila sa Niseko Village Ski Area sa Japan para ma-enjoy ang winter sport.

2 of 28

Yasmien Kurdi and Family

Sinalubong din ni Kapuso star Yasmien Kurdi, kasama ang kaniyang asawa na si Rey Soldevilla at kanilang anak na si Ayesha Zara, ang Bagong Taon sa Japan. Nagpunta naman sila sa Torii Gates sa Fushimi Inari Shrine sa Kyoto. Sa Japan din nag-celebrate ng Holy Week sina Yasmien.

3 of 28

Sightseeing

Nag-sightseeing din ang pamilya ni Yasmien Kurdi sa ilang mga kilalang lugar tulad ng Universal Studios sa Japan, at sa isang Manga Museum, kung saan inalala ng aktres ang pag-dub niya noon sa Japanese series na Bleach.

advertisement
4 of 28

Heart Evangelista and Chiz Escudero

Matapos ang rumored separation nila, ipinakita nina Heart Evangelista at Senator Francis "Chiz" Escudero na okay sila aat magkasama silang nagbakasyon sa Japan. Kasama rin nila ang kambal na anak ng senador na sina Quino and Chesi. Noong March, bumalik sina Heart at Chiz sa Japan kasama naman ang ilang mga kaibigan.

5 of 28

Alden Richards

Special naman ang pagpunta ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa Japan dahil dito niya ipinagdiwang ang kaniyang 31st birthday.

6 of 28

Manilyn Reynes and Aljon Jimenez

Tatlong taon na ang nakakalipas nang i-celebrate ni Kapuso comedienne at actress Manilyn Reynes at ng kaniyang asawang si Aljon Jimenez ang kanilang anniversary sa Japan. Kaya ngayong taon, kasama ang kanilang pamilya, ay binisita nila uli ang bansa at nagpunta sa Mt. Fuji mula sa Lake Kawaguchiko.

advertisement
7 of 28

Pauline Mendoza and Bryan Celeste

Masaya rin ang pagpunta sa Japan nina Kapuso actress Pauline Mendoza at Alaminos City Mayor Bryan Celeste. Isa sa mga pinuntahan nila ay ang Universal Studios sa Osaka.

8 of 28

Cassy Legaspi and Darren Espanto

Special ocassion naman ang pagpunta nina Cassy Legaspi at Darren Espanto sa Japan dahil dito nila ipinagdiwang ang birthday ng kapatid ng singer-actor na si Lynelle Anne.

9 of 28

Carmina Villaroel and her sisters

Hindi rin nagpahuli si Carmina Villaroel makipag-bonding kay Cassy sa Japan. Kasama rin ng aktres ang kaniyang mga kapatid na sina Bambi, April, at Rhea na nagpunta sa Tokyo para bisitahin ang mga kilalang tourist destination.

advertisement
10 of 28

Team Kramer

Isang Family adventure naman ang Japan trip nina Doug at Cheska Kramer kasama ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin.

11 of 28

Kiefer Ravena

Sa Instagram Story ni Doug Kramer, ibinahagi niya ang photo nila ng anak na si Gavin kasama ang basketball star na si Kiefer Ravena na nasa Japan din.

12 of 28

Jake Ejercito and Ellie

Father-and-daughter bonding naman ang ipinunta nina Jake Ejercito at ng kaniyang anak na si Ellie sa Japan. Binisita nila ang ilan sa mga tourist spots ng bansa, kabilang na ang Legoland.

advertisement
13 of 28

Carla Abellana

Sa Japan naman nag-Holy Week ang Stolen Life actress na si Carla Abellana kasama ang kaniyang pamilya.

14 of 28

Alodia Gosiengfiao and Christopher Quimbo

Matapos nilang ikasal ay sa Japan naisipan mag-honeymoon nina Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo.

15 of 28

Klea Pineda

Nagpunta rin ang Kapuso star na si Klea Pineda at ang kaniyang pamilya sa Japan para magbakasyon. Dalawa sa mga pinuntahan nila ay ang Mt. Fuji at ang Tokyo Disney Sea.

advertisement
16 of 28

Kitkat and her family

Isang milestone naman ang ipinagdiwang ni Kitkat at ng kaniyang non-showbiz husband na si Walby Favia ang pagpunta nila sa Japan dahil nine months na anak nilang si Uno Asher.

17 of 28

Valerie Concepcion

Kahit pa 16 weeks pregnant na siya noon ay hindi pa rin napigilan si Valerie Concepcion na lumipad sa Japan para magbakasyon. Nakapunta siya sa Universal Studios at nabisita pa ang Super Nintendo World at Hogwart's Castle mula sa 'Harry Potter.'

18 of 28

Agoncillo Family

Nagpunta sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, kasama ang kanilang mga anak na sina Yohan, Lucho at Luna, sa Japan par sa isang well-deserved vacation.

advertisement
20 of 28

Thea Tolentino

Ipinagdiwang din ni Thea Tolentino ang kaniyang ika-27 kaarawan sa Japan. Dito ay first time siyang nagsuot ng kimono, ang traditional garment at national dress ng Japan.

21 of 28

Gabbi Garcia

Nagpunta rin ang Unbreak My Heart actress na si Gabbi Garcia sa Japan kamakailan para sa kaniyang "first official solo trip." Nagpunta ang aktres sa Osaka at sinabing "enlightening experience" ang mag-travel ng mag-isa.

22 of 28

Sanya Lopez

Ginamit naman ni Sanya Lopez ang nagdaang long weekend para mag-travel at mag-recharge sa Japan.

advertisement
23 of 28

Tony Labrusca, Thou Reyes, and Arci Munoz

Bukod kay Sanya Lopez, nasa Japan din ang mga aktor na sina Tony Labrusca at Thou Reyes, at ang aktres na si Arci Munoz noong nagdaang long weekend.

24 of 28

Pauleen Luna, Vic Sotto and Tali

Isang week-long celebration ang ipinagdiwang nina Pauleen Luna, Vic Sotto, at anak nilang si Tali sa Japan. Dito kasi nag-celebrate si Pauleen at Tali ng kanilang 35th and 6th birthdays. Ipinagdiwang din nina Vic at Pauleen ang kanilang 12th anniversary.

25 of 28

Ashley Ortega

Nagpunta rin kamakailan ang Kapuso actress na si Ashley Ortega sa Japan. Nagpunta siya sa Hokkaido at Sapporo habang nasa bansa.

advertisement
26 of 28

Allen Ansay and Sofia Pablo

Nagpunta rin noong November ang Team Jolly na sina Allen Ansay at Sofia Pablo sa Osaka, Japan. Bukod sa tourist spots, na-enjoy din nila ang authentic na Japanese food.

27 of 28

Mikael Daez and Megan Young

Nag-early Christmas vacation naman ang celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young sa Japan nitong December. Nagpunta sila sa Tokyo, kung saan na-enjoy nila ang pagkain, leisure walking, at siyempre, hindi nawawala ang kape.

28 of 28

Camille Pratts and family

Pre-Christmas family trip naman sa Japan si Camille Pratts at asawa niyang si VJ Yambao, kasama ang kanilang mga anak na sina Ice (kanan), Nathan (kaliwa), Nolan at Nala (gitna, sa baba).

advertisement
29 of 28

Abot-Kamay na Pangarap cast

Work-cation naman ang ipinunta ng cast ng hit afternoon medical series na 'Abot-Kamay na Pangarap.' Nagpunta ang stars na sina Jillian Ward, Carmina Villarroel, Richard Yap, Ken Chan, Kazel Kinouchi, at Pinky Amador para sa "Ang Saya-Saya ng Pasko sa Nagoya" event. Nag-taping rin sila ng ilang episodes para sa serye.