Rabiya Mateo nagdiwang ng birthday sa Hong Kong at Macau

Ipinagdiwang ng beauty queen at actress na si Rabiya Mateo ang kaniyang kaarawan noong November 14. Para i-celebrate ito, nagpunta sila ng boyfriend at fellow Kapuso star na si Jeric Gonzales sa Hong Kong at Macau.
Sa Instagram ni Jeric ay ibinahagi niya ang ilang litrato nila ni Rabiya ng kanilang celebration at dito ay binati niya ang nobya ng happy birthday.
“HBD! @rabiyamateo enjoy 27 and stay beautiful. ILYSM!” bati ng aktor, na sinagot naman ni Rabiya sa comments section ng isang sweet na “I love you baby.”
Tingnan ang birthday celebration at bakasyon nina Rabiya at Jeric sa gallery na nito:









