Kris Aquino goes to the Maldives, checks a few items off her bucket list
Kasalukuyang nagbabakasyon si Queen of All Media Kris Aquino kasama ang kanyang bunsong anak na si Bimby sa Maldives.
Nagbahagi siya ng ilang mga litrato habang nasa beach sa kanyang Instagram account.
Pinagnilayan din niya ang world-class na kalidad ng mga beach sa Pilipinas kung mayroon lang maglalaan ng pera at panahon para dito.
Ayon kay Kris, kasama sa kanyang bucket list ang pagpunta sa Maldives. Ngayong taon, dalawa na ang natapos niya mula dito, kabilang na ang pagbabakasyon sa Maldives at ang pagpi-pilgimage sa San Giovanni, Italy.
Bahagi din ng kanyang bucket list ang magpunta sa lavender fields ng Hokkaido sa Japan na plano din niyang ma-accomplish ngayon taon.
Katatapos lang ng travel special niyang Trip Ni Kris kaya naman inaabangan ng kanyang mga tagahanga ang kanyang susunod na proyekto.
MORE ON KRIS AQUINO:
Kris Aquino, inilibre sa merienda at binigyan ng mamahaling regalo ang mga fans