Celebrity Life

WATCH: Mikael Daez, 'kikay' mode sa kanyang latest vlog

By Marah Ruiz

Hindi pa rin tapos ang vlogs ni Kapuso leading man Mikael Daez kasama ang kanyang nobyang si Miss World 2013 Megan Young sa San Francisco, U.S.A.

Sa kanyang latest vlog entry, sinamahan ni Mikael si Megan at ang kanyang pinsang si Ivee sa makeup mega store na Sephora.

Enjoy na enjoy ang dalawang girls habang namimili at nagte-test ng iba't ibang produkto. Nakiki-pili pa si Mikael noong una pero nabagot din ito ang hinintay na lang ang dalawa sa labas ng tindahan.

Matapos kumain sa isang dumpling restaurant, sinubukan ng tatlo ang pore strips at masks na nabili nila.

Panoorin ang pampering session nina Mikael at Megan sa kanyang pinakabagong vlog:

 

Magtatambal sa unang pagkakataon sina Mikael at Megan sa upcoming GMA series na The Stepdaughters.