Celebrity Life

WATCH: Dennis Trillo, Lovi Poe, Rodjun Cruz at Derrick Monasterio, ibinahagi ang kanilang paboritong beaches

By Bea Rodriguez

Matatagpuan sa Pilipinas ang ilan sa world class beaches kaya hindi kataka-taka na pati ang ating mga Kapuso stars ay dinadayo talaga ang white sand beaches sa bansa.

Mahilig si Kapuso leading man Dennis Trillo sa water sport na diving kaya sa Dumaguete siya namamalagi. Aniya, “Taga-Dumaguete ang daddy ko so madalas kami doon kaya lahat ng magagandang beaches doon at saka ‘yung mga islands, napuntahan na namin. Mag-e-enjoy ka doon.”

Nagkuwento pa siya sa Unang Hirit tungkol sa huling biyahe niya sa siyudad ng Negros, “Ang last trip namin, ang ginagawa namin, nagpunta kami sa Apo Island tapos nag-swimming kami [and snorkelling] kasama ‘yung mga pagong [at] mga isda.”

Ang isa sa mga seven wonders of the world naman ang napupusuan ni The One That Got Away star Lovi Poe. Kasama niya kamakailan lang sa Palawan ang kanyang BFF na si Heart Evangelista na siyang photographer ng sexy actress.

“I was there with Heart kasi ang tagal na naming ‘di nag-travel together. Noong last time namin mag-travel together, single pa siya so happy ako,” saad ng sexy leading lady.

I left my heart in Boracay naman ang peg ni Kapuso actor Rodjun Cruz kung saan siya nag-propose sa kanyang fiancée na si Dianne Medina. Aniya, “Hindi ko makakalimutan ang moment na iyon. Perfect na nga ‘yung Boracay tapos kasama ko pa ‘yung mga mahal ko sa buhay so iyon ang number one beach para sa akin.”

Hangang-hanga naman sa ganda si Inday Will Always Love You star Derrick Monasterio sa beach na matatagpuan sa Cebu kung saan kinunan ang ilan sa mga kilig scenes nila ni Barbie Forteza sa upcoming primetime series.

“Ang Bantayan Island kasi beach eh. I mean, sino bang hindi nagkakagusto sa beach? Parang, vacation talaga. ’Yung mga shots kasi, very scenic. Lahat pinapakita talaga ‘yung beauty ng Cebu,” pagtatapos ng aktor.