Celebrity Life

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ipinagluto ang mga madre sa Vatican

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nag-e-enjoy sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa kanilang mala-honeymoon na bakasyon sa Italy.

IN PHOTOS: Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos mala-honeymoon Italian trip

Maliban sa Italy, bumisita na rin ang dalawa sa Vatican at habang nandoon, nagkaroon ng special opportunity ang mag-asawa na ipagluto ang mga madre sa Vatican.


Ayon sa Instagram post ni Juday, "Isa sa mga pangarap ko, ang mapaglutuan ang mga madre na inaalagaan ako sa dasal at pagmamahal. Hindi ko naman naisip na sa loob ko pa ng Vatican ito magagawa. Napakasaya ng puso ko, ang sarap pakinggan nila sister matuwa at masiyahan sa niluto naming dinner para sa kanila. Thank you Father Mario for this beautiful, priceless experience. Hindi to pwedeng matapatan ng kahit anong outlet shops! Thank you Bub for making it even more special."