Celebrity Life

WATCH: Jay Arcilla, naka-bullseye sa Batangas!

By Marah Ruiz

Bumisita sa Batangas si Kapuso actor Jay Arcilla kasama ang programang Good News.

Habang narito, sinubukan niya ang iba't ibang mga activities na maaaring gawin ng mga turistang nais bumisita dito.

Nasubukan niya ang rock-climbing, magpakain ng mga exotic birds, pati na paglalaro ng mga larong katutubo tulad ng sikyo at luksong tinik. 

Bukod sa mga ito, nasubukan din niya ang sport na archery.

"Grabe no? Bilib ako sa mga katutubo natin na gamit sa pangangaso ay pana lang kasi mahirap," pahayag niya.

Matapos ang ilang tira, natamaan din ni Jay ang bullseye!

"Sa 30 meters, mga Kapuso, yellow lang naman 'yan. Pangatlong try ko, yellow," pagmamalaki siya sa target na natamaan niya. 

Panoorin ang feature ng programang Good News sa iba't ibang mga activities na maaaring gawin sa Batangas. 

Video from GMA Public Affairs' YouTube channel