Celebrity Life

WATCH: Mikee Quintos, 'BakasyoniStar' sa Pangasinan

By Bea Rodriguez

Nag-zipline, nag-aero cable biking, wall climbing at ATV driving si BakasyoniStar Mikee Quintos sa Pangasinan.

Binisita ng aktres ang Balungao Municipal Hall, Balungao Hilltop Adventure, Mount Balungao at Sunflower Maze Farm sa Balungao at Tayug.


Natikman din ng Kapuso star ang local delicacy ng Pangasinan.

Masasabing ang Sunflower Maze Farm ang pinakapaborito ni Mikee, “How beautiful life can be na sobrang hirap sometimes [at] napapagod tayo. [Konting] lakad lang, nandiyan ang flowers. Nandyan lang and it’s so beautiful.”

Ito pa ang natutunan ng 20-year-old actress, ayon sa report ng Balitanghali, “Na-realize ko lang, lahat na masasaya na adventure, dapat pinaghihirapan. Kasama po iyon sa fun, ‘yung hirap so enjoy it lang.”

Video courtesy of GMA News