Celebrity Life

Barbie Forteza conquers fear of heights with Jak Roberto in Hong Kong Disneyland

By Gia Allana Soriano

Kasama ni Barbie Forteza ang "bida-bida sibs" na sina Jak Roberto, at Sanya Lopez sa isang trip sa Hong Kong Disneyland.

At dito, na-conquer ni Barbie ang kanyang fear of heights. Ika nga niya, nasa Hong Kong Disneyland na rin naman sila, why not subukan din ang rides na matataas.

Super sweet din naman ni Jak at Barbie sa trip na ito.

Sa katunayan, ilang beses din humirit ng pickup line si Jak sa kanyang girlfriend na si Barbie.

Una, sinabi Kapuso hunk actor sa Inday Will Always Love You star, "Sabi nila dito, fall in line. E, paano 'yun, una akong na-fall sa 'yo?"

Sumunod, tinanong ulit ni Jak si Barnie, "Sino'ng favorite mo doon?"

Sagot naman agad ni Barbie, "Ikaw."

Panoorin ang buong vlog nina Jak at Sanya dito: