Celebrity Life

#CuteComa: Celebs nanggigil sa cute photos ni Baby Tali sa Amanpulo

By Aedrianne Acar

Hindi lamang si Dabarkad Pauleen Luna ang gumagawa ng ingay sa social media habang nagbabakasyon sa Amanpulo, Palawan.

Umani ng maraming positive comments ang misis ni Bossing Vic Sotto dahil sa sexy bikini photos niya sa Instagram.

IN PHOTOS: Pauleen Luna flaunts post-pregnancy physique in Amanpulo

At katulad ng kanyang ina, patok din sa celebrities at netizens ang cute photos ni Baby Tali.

Sobrang naaliw ang mga dabarkads sa cute photos ni Tali, na pati rin ang mga celebrities hindi maiwasan manggigil sa kaniya.

Ipagdiriwang nina Bossing at Pauleen ang first birthday ng kanilang baby girl sa darating na November 6.

Pre-birthday celebration na rin ito para kay Pauleen, na magdiriwang ng kaniyang ika-29 na kaarawan sa November 10.