Celebrity Life

LOOK: Kristoffer Martin brings non-showbiz girlfriend to Japan

By Nherz Almo

Bakasyon muna ang Kapuso hunk actor na si Kristoffer Martin matapos ang ilang buwan na pagtratrabaho para sa katatapos lang na fantasy series na Victor Magtanggol.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Kristoffer ang kaniyang larawan kasama ang girlfriend niyang si Allysa Celine Banzon.

Sa caption, sinabi pa ng 23-year-old actor, “Her dream place, my dream girl.”

Ipinost din ng kaniyang girlfriend ang parehong larawan sa sarili nitong Instagram account.

Ang caption naman ni AC, “You and this place. Perfect.”

Ilang netizens naman ang agad na kinilig sa post ni Kristoffer. Comment pa ng iba sa nakakakilig na caption ng aktor, “May nanalo na.”