Celebrity Life

Juancho Trivino on first summer trip with Joyce Pring: 'Kapit ka lang sa 'kin hindi ka malulunod'

By Jansen Ramos

Summer came early para sa Unang Hirit hosts na sina Juancho Trivino at Joyce Pring.

Joyce Pring and Juancho Trivino

Sa episode ng morning show ngayong Biyernes, March 1, lumipad patungong Cebu ang dalawa para bisitahin ang isang resort doon na sikat sa mga millennial ngayon dahil sa colorful attractions nito.

Matapos umere, hindi pinalagpas nina Juancho at Joyce na mag-swimming at magkaroon ng quality time bago tumulak pabalik ng Maynila.

Kuwento ng actor/TV host sa kaniyang Instagram post, "First time kong lumipad papunta sa ibang lugar na kasama 'yung crush ko sa work.

"Tinanong ko siya kung gusto niya mag swimming, um-oo siya, friends.

"Sabi ko, kapit ka lang sakin hindi ka malulunod (kahit mas magaling siya mag-swim kesa sakin)."