Celebrity Life

WATCH: Sanya Lopez, makiki-third wheel sa Japan trip nina Jak Roberto at Barbie Forteza

By Aaron Brennt Eusebio

Pinaplano na ng Kara Mia stars at real-life couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza ang kanilang Japan trip ngayong summer.

Sanya Lopez

ALAMIN: Paano nagsimula ang love story nina Jak Roberto at Barbie Forteza?

Nang malaman ito ng nakababatang kapatid ni Jak na si Sanya Lopez, agad siyang nagpumilit sumama kahit magiging third wheel siya.

Paliwanag ni Sanya, "Kasi, yung nakakatawa sa kanila, hindi ka naman maa-out of place pag kasama mo sila, e."

WATCH: Jak Roberto and Sanya Lopez, nagbida-bidahan sa Hong Kong with Barbie Forteza

Samantala, ready na si Andrea Torres sa kaniyang bakasyon sa Maldives ngayong Abril, na isang taon niyang pinaghandaan at pinagipunan.

Paliwanag ni Andrea, magbo-bonding sila ng kaniyang mommy sa Maldives at tinuruan pa niya itong kumuha ng litrato nang maayos.

"Magaling na siya [mag-picture] kasi palagi ko siyang kasama, siya yun lagi nagpi-picture," saad ni Andrea.

Panoorin ang report ni Nelson Canlas sa 24 Oras: