
Ngayong mas maluwag na ang quarantine restrictions sa Metro Manila, unti-unti nang pinapayagan ang pamamasyal at outdoor trips basta't kumpleto na ang bakuna.
Pero kung wala pa kayong maisip na pwedeng pasyalan, isang zoo o animal sanctuary ang binisita ni 'Unang Hirit' katambay na si Jay Arcilla sa Pililia, Rizal na halos dalawang oras lang ang layo sa Metro Manila.
Ayon kay Jay, 500 animals at 70 species ang makikita sa animal sanctuary. Bukod sa wild at exotic, gaya ng tiger, lion, crocodile at snake, makikita rin sa sanctuary ang rabbit, camel at iba pa.
Pwede ring maka-interact ng burmese python na isang uri ng ahas na kaya raw humaba hanggang 23 feet at lumaki sa bigat na 1,000 kilos.
Isa rin sa kakaibang uri ng hayop na mayroon dito ay ang "liger", ang pinagsamang breed ng lion at tiger. Sa itsura pa lang nito. kitang-kita raw na pinaghalong anyo ng lion at tiger.
Maaari ring magpakain at makipaglaro sa mga hayop basta't may pag-iingat.
Panoorin ang buong video ng outdoor adventure ni Jay Arcilla sa Unang Hirit, DITO:
Samantala, silipin naman ang ipinagmamalaking home zoo ni Kuya Kim Atienza sa gallery na ito: