
Idagdag na sa listahan ng inyong pwedeng puntahan ngayong nalalapit na araw ng pasko itong pasyalan sa Gapan City, Nueva Ecija na binisita nina StarStruck survivor Kim de Leon at Artikulo 247 star Brent Valdez.
Sa episode ng Unang Hirit nitong Lunes (December 13), ipinakita ng dalawa ang iba't ibang atraksyon sa Gapan City gaya ng theme park rides, Christmas displays, at tiangge.
Sa katunayan, ang Gapan City daw ang itinuturing na "Home of Christmas Festival in Nueva Ecija."
Unang sinubukan nina Kim at Brent ang giant ferris wheel na may taas na 130 feet, ito raw ang ika-anim sa pinakamalaking ferris wheel sa Pilipinas. Habang sakay nito, makikita raw sa itaas ang relaxing view ng Nueva Ecija.
Sa gabi, abangan daw ang transformation ng pasyalan dahil sa makulay na pailaw ng giant Christmas tree na talagang picture perfect.
Sunod naman nilang binisita ay ang "Lumang Gapan" kung saan makikita ang sinaunang mga bahay na may antique design na pinaganda pa ng mga pailaw. Maihahalintulad ito sa Calle Crisologo ng Vigan sa Ilocos Sur.
Bukas daw ang pasyalan araw-araw simula 4:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi.
Panoorin ang kanilang masayang pagbisita sa Gapan City, Nueva Ecija DITO: