
Isang romantic Palawan getaway ang napiling Valentine's Day celebration nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Ipinakita ni Bea sa kaniyang vlog ang kanilang fun adventures, sweet moments, and magagandang views na nakita nila sa El Nido, Palawan.
Ang celebrity couple ay pinaghandaan din ng isang romantic dinner date sa isla. Bumisita rin sila sa ilang must-see places sa El Nido.
Photo source: Bea Alonzo (YouTube)
Ayon sa vlog ni Bea, nakailang ulit na siyang bumabalik sa Palawan dahil sa ganda ng lugar.
Saad ng aktres, "Na-realize ko rin na paulit-ulit ko na napuntahan 'yung Big Lagoon, Cadlao, and other tourist spots but I can't get sick of it. That's how beautiful it is.
Dugtong pa ni Bea natutuwa siya kapag may kasama siyang hindi pa nakaka-discover ng ganda ng Palawan.
"Na-realize ko na every time may kasama ako na hindi pa nakakapunta, it gives me joy to bring them to those beautiful places. It gives me joy to go back every time I am here. It's how beautiful El Nido is and that's how beautiful the Philippines is."
Kuwento pa ng Kapuso star sa vlog, masaya siyang nakasama niya si Dominic sa Palawan para sa Valentine's Day.
Pag-amin ni Bea, "I am very lucky to experience this with someone I love. Buti na lang we decided to come here together. We decided to plan this for Valentine's because it's very very special.
"Sabi nga nila, happiness is best when shared and to be sharing this experience with him is so much more meaningful to me."
Panoorin ang vlog ni Bea sa Palawan dito:
Samantala, tingnan ang sultry photos ni Bea sa Palawan sa gallery na ito: