IN PHOTOS: Bea Alonzo and Dominic Roque's sweetest photos

Simula nang magbakasyon sa Los Angeles, California, noong July 9, hindi lang pangalan ni bagong Kapuso Bea Alonzo ang naging maingay sa social media, pati na rin ang pangalan ng aktor na si Dominic Roque.
Hindi tumitigil ang espekulasyon na magkasama ang dalawa sa Los Angeles dahil na rin sa magkaparehong lugar na ibinabahagi nila sa kani-kanilang Instagram stories at posts.
Ganoon din ang palitan nila ng comments sa isa't isa tulad na lamang ng "i*y" ni Dominic sa picture ni Bea na nakasuot ng cherry print dress at ang three hearts emoji na comment ni Dominic sa silhouette photo ni Bea sa Pacific Coast Highway, California.
Base sa Instagram stories ng dalawa noong July 15, magkasama silang dumalo sa baby shower ng dating aktres na si Beth Tamayo.
Noong July 20, ipinagdiwang ni Dominic ang kanyang 31st birthday sa Amerika.
Kaugnay nito, ibinahagi ng aktor sa Instagram stories ang masayang video kasama si Bea Alonzo.
Matapos ang usap-usapan tungkol sa kanila, ngayon ay mas malinaw na sa fans at followers ang totoong status ni Bea at Dominic.
Sa kasalukuyan, sunod-sunod na nakakakilig na photos pa ang ina-upload ni Bea at ng kanyang nobyo na si Dominic sa kanilang social media accounts.
Narito ang ilan sa mga larawan ng celebrity couple na sina Dominic at Bea:










































