
Bukod sa magagandang beach, hindi rin pinalagpas nina Jak Roberto at Barbie Forteza na bisitahin ang isa sa pinakakilalang atraksyon sa Bohol, ang Chocolate Hills.
Sa Instagram, ikinuwento ni Barbie ang naging karanasan nila para lamang makita ang sikat na atraksyon.
"I faced my fear of heights and climbed 220 steps just to see the beautiful Chocolate Hills. Thank you so much [Jak Roberto] for holding my hand all the way. I love you," sulat ni Barbie.
Biro naman ni Jak sa post na ito ng nobya, "'Di naman halatang mataas 'yung inakyat natin Madam hahaha."
Sagot ni Barbie, "Halata sa pawis mo. Hahaha! Sorry 'di ko nadala face towel mo."
Una nang ibinahagi nina Jak at Barbie ang naging beach trip sa Bohol noong May 5 para sa selebrasyon ng kanilang ikalimang anibersaryo.
Ayon kay Jak, isa ito sa pinapangarap niyang trip kasama si Barbie matapos na maging abala sa bagong Kapuso serye na Bolera.
Samantala, tingnan ang hottest photos ni Jak Roberto sa gallery na ito: