
Matapos ang kaniyang maid of honor duties sa kasal ng kaniyang kaibigan na ginanap sa Paris, France, tila sinusulit ni Kakai Bautista ang bakasyon niya roon.
Ngunit bukod sa paglilibot sa ilang tourist spots, hindi rin pinalampas ni Kakai ang pagkakataon na makapag-TikTok sa harap mismo ng Eiffel Tower sa Paris.
Suot ang kaniyang sexy outfit, game na game na sumayaw ang aktres sa lugar na pinapangarap na mapuntahan ng napakaraming mga Pinoy.
Kahit na maraming tao sa kaniyang paligid, kapansin-pansin na lumabas ang pagka-stage performer ng tinaguriang Dental Diva habang siya ay sumasayaw.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 12,000 views ang video ni Kakai na inupload niya sa kaniyang Instagram account.
Panoorin ang TikTok video ni Kakai DITO:
Matatandaang kamakailan lang, nagkatagpo sina Kakai at Sparkle artist na si Heart Evangelista sa Paris, France.
Naroon din si Heart para sa ilang fashion-related events tulad ng 2022 Paris Fashion Week.
Samantala, tingnan ang ilang larawan ni Kakai Bautista na nagpapatunay na funny is the new sexy sa gallery sa ibaba: