Health and Wellness

Abi Marquez, isinugod sa ospital matapos magtamo ng injury

GMA Logo abi marquez suffering from sprain

Photo Inside Page


Photos

abi marquez suffering from sprain



Isinugod sa ospital ang content creator na si Abi Marquez na kilala online bilang "Lumpia Queen."

Ito ay matapos mamaga ang kanyang paa dahil sa sprain, ayon sa kanyang Facebook post ngayong Biyernes, July 18.

"Shoot pa more, maga later" ang caption niya sa isang larawan kung saan nakaupo siya sa wheelchair habang nakataas ang kanyang kanang paa na mayroong benda.

Ika niya, hindi siya makatayo kaya kinailangan niyang mag-shoot ng content nang nakaluhod ang kanyang tuhod "kasi matigas ulo".

Ayon sa resulta ng kanyang tests, bugbog ang kanyang binti at tuhod. Dagdag pa niya, "Napagalitan rin ng doktor kasi bawal pala yun, kaya di nag-improve ang swelling kahit 1 week na."

Dahil sa kanyang sprain, kinailangan munang magpagaling ng content creator na napapanood din sa GMA Prime action series na Sanggang-Dikit FR. "Off cam muna tayo!!!", sambit niya.

Nagpasalamat naman si Abi sa mga nagpahayag ng concern sa kanya, gayundin sa kanyang management at team, at sa mga kliyente niya na nagbigay ng pang-unawa sa gitna ng kanyang iniindang karamdaman.


Life update
Sprain
Emergency room
Content shoot
Swelling

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants