Abot-Kamay Na Pangarap: Lyneth, nanay na, tatay pa

Patuloy na nakasubaybay ang fans ni Carmina Villarroel sa kanyang karakter sa GMA's award-winning medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Kilala siya sa serye bilang si Lyneth, ang nanay na tumatayo rin bilang tatay ng pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn (Jillian Ward).
Kahit alam na ni Doc Analyn na si Doc RJ (Richard Yap) ang kanyang ama, nakatutok pa rin si Lyneth sa pag-aalaga sa una.
Silipin sa gallery na ito kung gaano kabuti si Lyneth bilang isang magulang.


















