Abot-Kamay Na Pangarap: Doc Analyn is beautiful inside and out

Kilalang-kilala ngayon ang Star of the New Gen and Sparkle star na si Jillian Ward bilang si Doc Analyn Santos.
Kasalukuyan kasing napapanood si Jillian bilang pinakabatang doktor sa bansa sa award-winning GMA medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Si Doc Analyn ay hinahangaan ng marami dahil sa kanyang taglay na kagandahan.
Ngunit bukod sa kanyang panlabas na katangian, patuloy rin siyang nagsisilbing inspirasyon sa mga manonood dahil sa kanyang mabuting puso.
Silipin ang ilang larawan na magpapatunay na si Doc Analyn ay talaga namang beautiful inside and out sa gallery na ito.





















