'Abot-Kamay Na Pangarap' stars na sina Pinky Amador at Chuckie Dreyfus, nakipag-actingan at nakipagkwentuhan kay Tito Boy Abunda

Ang seasoned actors na sina Pinky Amador at Chuckie Dreyfus ang pinakabagong naging guests ni Tito Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda.
Kasalukuyang napapanood sina Pinky at Chuckie bilang mga aktor sa GMA's top-rating drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kilalang-kilala sila ngayon ng mga manonood dahil sa kanilang mga karakter na sina Moira Tanyag at Doc Ray Meneses.
Sa naturang multi-platform showbiz news and talk show, game na game silang sumabak sa actingan kasama ang host na si Boy Abunda.
Bukod dito, masaya silang nagkwento tungkol sa seryeng kanilang kinabibilangan at sa kanilang co-stars dito.
Balikan ang ilang highlights sa pagbisita nina Pinky at Chuckie sa Fast Talk with Boy Abunda sa gallery na ito.












