GMA Logo Pinky Amador, Carmina Villarroel, and Dina Bonnevie
Courtesy: pinkyamador (IG)
What's on TV

Carmina Villarroel at Dina Bonnevie, may ibinunyag tungkol kay Pinky Amador

By EJ Chua
Published July 17, 2023 6:19 PM PHT
Updated July 17, 2023 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador, Carmina Villarroel, and Dina Bonnevie


Nagkwento sina Carmina Villarroel at Dina Bonnevie tungkol sa funny characteristics ni Pinky Amador sa set ng 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Sa likod ng dramatic at intense na mga eksena sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap ay ang kakaibang bonding moments ng cast ng serye.

Kabilang na rito ang chikahan moments nina Carmina Villarroel, Pinky Amador, at Dina Bonnevie.

Kamakailan lang, game na game na sumabak sina Carmina, Pinky, at Dina sa trending na "Who's Mostly Likely To Challenge".

Sa unang parte ng video, mapapanood muna ang kulitan moments nila habang ipinapaliwanag ng host kung ano ang kanilang gagawin.

Nang tanungin sila ng host kung sino ang pinakamaingay sa set, larawan ni Pinky ang itinaas nina Carmina at Dina.

Ayon kay Carmina, “Siya (Pinky Amador) talaga, kunwari hindi pa… nakikita, from afar alam na namin, dinig na namin na ay nandiyan na si Ate Pinky.”

Kabilang din sa itinanong sa kanila ay kung sino ang laging kumakain habang nagte-taping para sa serye.

Nang marinig nila ang tanong ay itinaas agad nilang lahat ang larawan ni Pinky.

Unang nagsalita si Dina at sinabing, “Bawal kang mag-deny…”

Sinundan naman ito ni Pinky nang pag-amin niya, “Yes, ang pangalan ko po ay Pinky Amador, tirador ng food props.”

Nagbigay rin ng paliwanag si Carmina kung bakit si Pinky ang kanyang isinagot, “Actually, mag-ina sila ni Kazel [Kinouchi], si Zoey.”

Dagdag na sagot naman ni Dina, “Kung ang food props nawala… sila (Pinky and Kazel) 'yon.”

Samantala, si Carmina ay napapanood sa serye bilang si Lyneth, ang ina ni Doc Analyn (Jillian Ward), habang sina Pinky at Dina naman ay kilala sa serye bilang mag sister-in-law na sina Moira at Madam Giselle.

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG KULITAN MOMENTS NG CAST NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: