Aegis, pinabulaanan ang kumakalat na maling impormasyon tungkol sa yumaong member na si Mercy Sunot

GMA Logo Mercy Sunot
Source: The Aegis band (FB)

Photo Inside Page


Photos

Mercy Sunot death



Maagap ang naging aksyon ng band members ng OPM rock group na Aegis matapos nilang malaman na may mga kumakalat na maling impormasyon online tungkol sa kanilang yumaong vocalist na si Mercy Sunot.

Nagdadalamhati ang Philippine music industry sa pagpanaw ni Mercy noong Lunes, November 18. Nakakabigla ang kaniyang pagkamatay lalo na at ilang araw bago nito ay humingi ng dasal ang sikat na bokalista sa kaniyang fans sa TikTok sa agarang niyang paggaling matapos sumailalim sa isang lung operation.

Related Content: Celebrities who had health concerns this year

Sa isang statement sa official Facebook page ng Aegis kahapon (November 20), nilinaw ng OPM band ang mga fake news tungkol sa mga “bisyo” umano ni Mercy Sunot.

Binigyan-diin nila na walang ginawang panayam ang kapatid niya na si Juliet.

Ito ang buong pahayag ng grupo sa Facebook

“Pakiusap mula sa AEGIS

“Kami po ay taos-pusong nananawagan sa lahat na huwag po sanang paniwalaan ang mga kumakalat na maling impormasyon tungkol kay Mercy. Hindi po siya [gumamit] ng anumang bisyo, at siya ay hindi [nanigarilyo o umiinom]. Wala rin pong anumang panayam na ibinigay si Juliet na naglalaman ng mga pahayag laban sa kaniyang kapatid."

“Nais po naming humiling ng respeto, hindi lamang para kay Mercy, kundi pati na rin para sa kanyang pamilya."

“Isipin po sana natin ang bigat ng epekto ng ganitong mga maling balita. Sa paghahangad ng atensyon at 'clicks,' nawawala po ang paggalang sa dignidad ng mga yumao. Sana po, makapagbigay ito ng pagkakataon sa lahat na magmuni-muni at maging mas responsable sa pagbabahagi ng impormasyon.

“Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.”

Sa mismong Facebook page din ng OPM rock band makikita na ni-repost din nila ang ginawang paglilinaw ni Juliet Sunot.

Kung saan may pakiusap siya publiko na iwasan gumawa o magkalat ng mga kuwentong walang basehan tungkol sa kapatid.

“May I humbly ask then, that people refrain from tailoring stories about my sister Mercy, quoting me of statements I never made, and may we be allowed privacy while we draw in all that has happened to my sister.

“Allow me to reiterate, I, Juliet Sonot of Aegis, had never communicated with anyone for interviews [and] had never made statements that Mercy was into any vices.

“Please, please, stop spreading malicious accusations against my sister.”

Ilan sa mga kantang pinasikat ng '90s band na Aegis ang “Sayang na Sayang”, “Luha”, at “Halik.”

Bago pumanaw, na-diagnose ng sakit na cancer si Mercy Sunot.

SAMANTALA, ALAMIN ANG MGA ARTISTANG YUMAO DAHIL SA CANCER


Francis Magalona
Mark Gil
Rudy Fernandez
Liezl Martinez
TJ Cruz
Redford White
Armida Siguion-Reyna
Marilou Diaz-Abaya
Chinggoy Alonzo
Spanky Manisan
Johnny Delgado
Rio Diaz
Twink Macaraig
Charlie Davao
Jam Sebastian
Emman
Cherie Gil
Hector Gomez
Maita Sanchez
Aegis Mercy Sunot

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas