Aiai Delas Alas, nasaktan sa pag-alalang nakasama ang biological mother noong hindi na siya makilala

Naging madamdamin ang finale episode ng limited talk series na My Mother, My Story noong Linggo, October 27. Bilang espesyal na pagtatapos ng unang season, naging tampok sa programa ang matalik na kaibigan ni Boy Abunda, ang Kapuso Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas.
Puno ng heartfelt revelations ang istorya ng komedyante tungkol sa kanyang dalawang ina--ang kanyang biological mother na si Gloria Hernandez at ang kanyang adoptive mother na si Justa Delas Alas. Mula sa kanyang paglaki at pagiging ina ng kanyang mga anak, ikinuwento ni Aiai ang kanyang madamdaming istorya na naantig ang damdamin ng Kapuso viewers, pati na si Boy Abunda mismo.
Mas nadagdagan pa ang emosyon ng programa nang sinorpresa siya ng kanyang dalawang anak na sina Sancho Vito at ang kanyang inaanak na si Jiro Manio.
Balikan ang nakaantig na panayam ni Aiai Delas Alas sa gallery na ito:














