Aidan Veneracion shares bonding moments with onscreen mom Megan Young in 'Royal Blood'

Sa nalalapit na pagtatapos ng kauna-unahan niyang drama series sa GMA, ang Royal Blood, binalikan ni Sparkle teen actor Aidan Veneracion ang ilang masasayang moments sa set kasama ang onscreen mom na si Megan Young.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Aidan ang ilang behind-the-scene photos mula sa motorcycle scene niya sa Royal Blood, kung saan nakasama niya sa eksena sina Rhian Ramos, James Graham, Princess Aliyah, Sienna Stevens, at Melissa Avelino.
Matatandaan sa episode 8 ng Royal Blood ang pang-aasar ni Louie (James Graham) kay Archie (Aidan) at ang pagtatago nito sa motor ng huli na naging dahilan ng sagutan at tapatan nina Diana (Megan) at Margaret (Rhian Ramos).
Ginagampanan ni Aidan sa serye ang challenging na karakter ni Archie, anak nina Kristoff (Mikael Daez) at Diana na mayroong autism spectrum disorder (ASD).
Tingnan ang ilang throwback photos ni Aidan kasama ang co-stars sa Royal Blood sa gallery na ito:







