
Masaya ang Royal Blood teen actor na si Aidan Veneracion sa pagkakataon na nakasama sa isang event ang iniidolong aktor na si Ken Chan.
Sa isang Instagram post na ibinahagi nito noong Lunes (July 17), ipinakita ni Aidan ang mga nakuhang larawan kasama si Ken. Sulat ng teen actor, "Archie and Boyet in one frame! [Sparkle Fan Meet] last May 28."
Hindi naman pinalagpas ni Aidan ang pagkakataon na ito na makahingi ng tips mula kay Ken para sa challenging role na ginagampanan nito ngayon sa Royal Blood na mayroong autism spectrum disorder, na hindi nalalayo sa challenging role na pinagbidahan noon ni Ken sa GMA series na My Special Tatay na mayroon namang mild intellectual disability.
"May high-functioning autism po si Archie. Iba po kasi 'di ba 'yung kay Boyet po, magkakaiba po kami ng spectrum. Humingi rin po ako ng tips kay Kuya Ken Chan, magkasama po kami noong fan meet. Nagkausap po kami, humingi po ako ng mga tips kung paano ang ginawa niya po nun that time, then ako rin po ngayon," kuwento ni Aidan sa naganap na Grand Media Conference ng Royal Blood.
Dagdag niya, "Importante din po talaga as an actor po bilang baguhan, first role ko pa po ito, first project ko, so challenging po siya para sa akin. So that time, inisip ko kailangan kong maghanda for this lalo na ang mga kasama ko rito mga batikan na sa industriya natin. Hindi talaga ako nagpapapetiks-petiks lang. I'll make sure talaga na pagpunta ko sa set in character na ako."
Hindi nabigo si Aidan sa ginawang paghahanda na ito para sa kauna-unahan niyang drama role dahil patuloy ang mga natatanggap nito ngayong papuri mula sa Royal Blood viewers.
Patuloy na subaybayan si Aidan bilang Archie Royales sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.
MAS KILALANIN SI AIDAN VENERACION SA GALLERY NA ITO: